Friday, October 3, 2008

Teknolohiya:Guro

Isa sa programa ng ating gobyerno sa kasalukuyan ay bigyang kaalaman ang mga guro sa paggamit ng teknolohiya sa kaniyang pagtuturo sapagkat iba na ang panahon ngayon. Iba na rin ang ugali, interes at paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral ngaun. Madalas nga ang problema sa ating mga mag-aaral ay pagkalulong sa on-line games at internet nguni ang sama nga nito ay hindi kunektado sa kanilang pag-aaral.

Kaya bilang isang guro dapat ay maging malikhain tayo sa mga paraan kung paano natin ituturo ang ating aralin sa ating mga mag-aaral at malaki ang maitutulong ng teknolohiya sa usaping ito. Ang paggamit ng powerpoint at movie maker ay ilan lamang sa maari nating gamitin upang higit nating makuha ang interes ng ating mga mag-aaral. Maari din nating gamitin ang interes nila sa paggamit ng computer o internet upang mas madagdagan ang kanilang interes sa kanilang pag-aaral. May mga guro ngang ginagamit ang internet sa pagbibigay ng exam at ibang requirements sa pamamagitan nito mas lalong nadadagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral hindi lamang sa leksyon na gusto nating matutunan nila kundi pati na rin ang pagiging pamilyar nila sa bagong teknolohiya na ginagamit sa kasalukuyan.

Bilang mga guro dapat na tayong makisabay sa interes at sa makabagong paraan ng pagkatututo ng mga mag-aaral ngayon. Huwag na nating hintayin na mapag-iwanan tayo ng panahon. Huwag na nating ipilit na ipa-imagine lamang ang mga bagay na gusto nating ipakita sa ating mga mag-aaral lalo na kung may kakayahan at kagamitan naman tayo upang ipakita ito sa kanila.

Makabagong Teknolohiya Kailangan Ba?

Hindi makalimutan ng isama ako ng aking ina sa Digetel sa Guimba para tumilegrama sa aking tito na nakatira sa manila upang sabihing umuwi sa amin sapagkat pinauuwi siya ng aking lola na may sakit noon. Sabin g aking ina telegrama daw ang pinakamabilis na komunikasyon para malaman ng aking tito na kailngan niyang umuwi. Dahil noong panahon na iyon hindi pa naman uso ang text at ang may cellular phone noon puro tawag pa lamang. Napakalaki na nga pala ng pinagbago ng kinagisnan ko noon kung teknolohiya ang pag-uusapan. Ang dating telegrama napalitan na ng text message ang ordinaryong sulat na pinapadala sa mga post office at lumilipas ang ilang araw bago matanggap ng iyong pinadalhan ngayon ay e-mail na ang uso na segundo lamang ay matatanggap na ng pinadalan mo ng mensahe. Napakamura at napakadali na nga naman pala ng komunikasyon ngayon. Isa lamang ang komunikasyon sa napakaraming kagandahan na naidudulot ng teknolohiya.
Marami na ang nabuong relasyon dahil sa makabagong teknolohiya at pinagtibay ang pagsasama ng mga may asawang nagtratrabaho sa ibang banes sapagkat nagkakaroon na sila ng regular na komunikasyon. Ang mga impormasyon na kailangan sa pag-aaral at sa isang partikular na trabaho ay napakadali na ring kumuha sa pamamagitan ng internet. Ang napakaraming krimen na nalutas sa tulong ng makabagong teknolohiya.

Tunay ngang napakalaking tulong para sa atin ang mga makabagong teknolohiya sa kasalukuyan lalo na kung tama ang paggamit natin sa mga ito. Ngunit hindi naman lingid sa atin na naparaming pangit na pangyayari ang naging dulot din ng sinasabi nating makabagong teknolohiya. Ang talamak na panloloko sa internet mga sex scandal ay ilan lamang sa mga pangit na imahen ng teknolohiya.

Sa bawat bagong kaalaman ang kaakibat nito ay isang responsibilidad. Mga responsibilidad na dapat nating isaalang-alang upang ang mga teknolohiyang ginawa para sa ikabibilis, ikagagaan at ikagaganda ng trabaho at buhay ng isang tao ay magamit ng tama. At nang hindi ito magamit ng mga taong ang tanging nasa isip ay manloko at manlamang ng kanilang kapwa.

Isang Karanasan…

Bagong kaibigan, bagong karanasan at bagong kaalaman. Ilan lamang yan sa mga inaasahan ko sa tuwing magsisimula ang klase sa mga subject na kinukuha ko sa aking masteral. Ngunit ang pinaka-malaking katanungan ay kung ano nga ba ang ugali at paano magturo ang aking magiging professor. Madalas nga sa enrolment tinitignan muna namin ang mga magtuturo ng subject bago namin ito i-enroll. Sa anong dahilan kung bakit? Alam na ito ng mga kumukuha ng masteral sa IGS.

Nang Makita namin na isa sa pagpipiliang subject ang computer marami ang gustong kumuha nito sapagkat madalang daw itong i-offer kaya dagsa kami at unahan sa pagtala ng aming panagalan sa control sheet kahit hindi pa daw sigurado kung sino ang gurong magtuturo nito. Nabigla nga ako ng malaman ko na si Dr. G pala ang magtuturo. Unang beses ko pa lamang siyang magiging guro madalas kasi nakakailang kung kakilala mo na ang iyong magiging guro hindi ko alam kung ano nga ba ang magiging expectation nito sa akin. Ganun pa man natuwa na rin ako sapagkat maganda naman ang mga naririnig kong feedback tungkol kay Dr. G subalit hindi pa rin nawala ang pagkailang.

Sa isang semestreng nakalipas masasabi kong naging masaya ang klase at marami akong natutunan na sa aking pag-aakala nga’y alam ko na ngunit hindi pa pala. Mga bagay na hindi lamang tunkol sa computer o teknolohiya kundi sa mga personal na bagay na naidagdag sa aking pagkatao.

Sa bawat binibigay na requirement ay nangangamba ka sa magiging reaksyon ni Dr. G kaya nga halos ayaw ng ipasa at dagdagan pa ito ng mga reaksyon ng iyong mga kamag-aral na kahit karamihan sa kanila ay kilala mo na ay pinipilit mo pa rin na maging okay sa kanila ang iyong ginawa. Subalit nakakatuwa paring isipin na ang mga reaksyon nga naman nila ay totoo lamang na dapat mong tanggapin upang mas mapabuti mo pa ang iyong mga susunod na gagawin.

Isang yugto na naman ang nadagdag sa istorya ng buhay ni allan. Mga pangyayari na mananatili sa kanyang ala-ala. Mga kuwentuhan, karanasan mga kaalaman na pinagsaluhan sa nakalipas na isang semestre.

Ang mga simpleng biruan na kasama si Dr. G at mga kamag-aral na akala mo’y wala lang ngunit kung iyong pagninilayan ay malaman pala at marami kang matutunan na madalas nga ay napagkukunan mo pa ng lakas loob at basehan ng mga nagiging disisyon mo sa buhay… Simpleng computer subject… Subalit Umukit…!!!