Bagong kaibigan, bagong karanasan at bagong kaalaman. Ilan lamang yan sa mga inaasahan ko sa tuwing magsisimula ang klase sa mga subject na kinukuha ko sa aking masteral. Ngunit ang pinaka-malaking katanungan ay kung ano nga ba ang ugali at paano magturo ang aking magiging professor. Madalas nga sa enrolment tinitignan muna namin ang mga magtuturo ng subject bago namin ito i-enroll. Sa anong dahilan kung bakit? Alam na ito ng mga kumukuha ng masteral sa IGS.
Nang Makita namin na isa sa pagpipiliang subject ang computer marami ang gustong kumuha nito sapagkat madalang daw itong i-offer kaya dagsa kami at unahan sa pagtala ng aming panagalan sa control sheet kahit hindi pa daw sigurado kung sino ang gurong magtuturo nito. Nabigla nga ako ng malaman ko na si Dr. G pala ang magtuturo. Unang beses ko pa lamang siyang magiging guro madalas kasi nakakailang kung kakilala mo na ang iyong magiging guro hindi ko alam kung ano nga ba ang magiging expectation nito sa akin. Ganun pa man natuwa na rin ako sapagkat maganda naman ang mga naririnig kong feedback tungkol kay Dr. G subalit hindi pa rin nawala ang pagkailang.
Sa isang semestreng nakalipas masasabi kong naging masaya ang klase at marami akong natutunan na sa aking pag-aakala nga’y alam ko na ngunit hindi pa pala. Mga bagay na hindi lamang tunkol sa computer o teknolohiya kundi sa mga personal na bagay na naidagdag sa aking pagkatao.
Sa bawat binibigay na requirement ay nangangamba ka sa magiging reaksyon ni Dr. G kaya nga halos ayaw ng ipasa at dagdagan pa ito ng mga reaksyon ng iyong mga kamag-aral na kahit karamihan sa kanila ay kilala mo na ay pinipilit mo pa rin na maging okay sa kanila ang iyong ginawa. Subalit nakakatuwa paring isipin na ang mga reaksyon nga naman nila ay totoo lamang na dapat mong tanggapin upang mas mapabuti mo pa ang iyong mga susunod na gagawin.
Isang yugto na naman ang nadagdag sa istorya ng buhay ni allan. Mga pangyayari na mananatili sa kanyang ala-ala. Mga kuwentuhan, karanasan mga kaalaman na pinagsaluhan sa nakalipas na isang semestre.
Ang mga simpleng biruan na kasama si Dr. G at mga kamag-aral na akala mo’y wala lang ngunit kung iyong pagninilayan ay malaman pala at marami kang matutunan na madalas nga ay napagkukunan mo pa ng lakas loob at basehan ng mga nagiging disisyon mo sa buhay… Simpleng computer subject… Subalit Umukit…!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment