Friday, October 3, 2008

Teknolohiya:Guro

Isa sa programa ng ating gobyerno sa kasalukuyan ay bigyang kaalaman ang mga guro sa paggamit ng teknolohiya sa kaniyang pagtuturo sapagkat iba na ang panahon ngayon. Iba na rin ang ugali, interes at paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral ngaun. Madalas nga ang problema sa ating mga mag-aaral ay pagkalulong sa on-line games at internet nguni ang sama nga nito ay hindi kunektado sa kanilang pag-aaral.

Kaya bilang isang guro dapat ay maging malikhain tayo sa mga paraan kung paano natin ituturo ang ating aralin sa ating mga mag-aaral at malaki ang maitutulong ng teknolohiya sa usaping ito. Ang paggamit ng powerpoint at movie maker ay ilan lamang sa maari nating gamitin upang higit nating makuha ang interes ng ating mga mag-aaral. Maari din nating gamitin ang interes nila sa paggamit ng computer o internet upang mas madagdagan ang kanilang interes sa kanilang pag-aaral. May mga guro ngang ginagamit ang internet sa pagbibigay ng exam at ibang requirements sa pamamagitan nito mas lalong nadadagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral hindi lamang sa leksyon na gusto nating matutunan nila kundi pati na rin ang pagiging pamilyar nila sa bagong teknolohiya na ginagamit sa kasalukuyan.

Bilang mga guro dapat na tayong makisabay sa interes at sa makabagong paraan ng pagkatututo ng mga mag-aaral ngayon. Huwag na nating hintayin na mapag-iwanan tayo ng panahon. Huwag na nating ipilit na ipa-imagine lamang ang mga bagay na gusto nating ipakita sa ating mga mag-aaral lalo na kung may kakayahan at kagamitan naman tayo upang ipakita ito sa kanila.

1 comment:

AMETHYST said...

ui sir nagulat nmn aq sau hehe! kw pla my gawa ng article na kylngan q naks nmn kyalng sn mas mhaba pa hehe with pix pa nmn eh. anyway ipgpa2loy mu lng. God Bless!!!!